Sinasampalatayanan namin na ang Biblia ang tanging saligan ng pananampalataya at paglilingkod sa Diyos. Ang ebanghelyo ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng mga sumasampalataya dahil dito nahahayag ang Kaniyang katuwiran (Roma 1:16-17). Ang mga Banal na Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, at sa ikatututo na nasa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng gawang mabuti (II Tim. 3:15-17).
Sinadya ng Diyos na ilihim sa hiwaga ang Kaniyang mga salita (Roma 16:25), anupa’t ang mga nagtatangkang unawain ang Biblia sa ganang sarili sa pamamagitan ng karunungang panlupa ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan (II Tim. 3:7). Ang ebanghelyong ipinangangaral ng mga hindi naman sinugo ng Diyos ay tinawag ng mga apostol na “ibang ebanghelyo” (Gal. 1:6-7). At ang paggamit ng “ebanghelyo” na sinsay sa katotohanan o taliwas sa tunay nitong kahulugan ay maghahatid sa tiyak na pagkapahamak (II Ped. 3:15-16).
News
Directory
Contact Us
Terms and Privacy Policy
© Copyright Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) 2024. All rights reserved.