Search
Close this search box.

Ang Bayang Banal, Bagong Jerusalem

Sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo na may Bayang Banal na inihahanda si Cristo, at ipinangako Niya sa Kaniyang mga alagad na doon Niya sila dadalhin sa Kaniyang pagbabalik (Juan 14:2-3). Maluwalhati ang Bayang Banal, pinananahanan ito ng kaluwalhatian ng Diyos (Apoc. 21:10-21). Ito ang magiging tahanan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na mananatiling tapat hanggang sa wakas. Perpekto ang buhay sa Bayang Banal—hindi na kakailanganin ang araw at buwan at wala nang gabi (Apoc. 21:23-25; 22:5), walang kakulangan sa pagkain at tubig (Apoc. 22:1-2), wala nang sumpa (Apoc. 22:3), wala nang gutom, uhaw, kalungkutan, sakit, kamatayan, at kasamaan (Apoc. 7:15-17; 21:4).

Ang mga ibinigay ng Ama kay Cristo ang makapapasok sa Bagong Jerusalem (Juan 17:24). Ang mga taong ibinigay kay Cristo ay tinawag ng Diyos sa pakikisama kay Cristo (I Cor. 1:9) at ang pagtawag na ito ay sa pamamagitan ng ebanghelyo na ipinangaral ng mga sugo ng Diyos (II Tes. 2:14; II Cor. 5:19-20). Ang mga tinawag ay tinipon sa isang katawan (Col. 3:15) na siyang Iglesia (Col. 1:18) na ang pangalan ay Iglesia Ni Cristo (Roma 16:16; Gawa 20:28, Lamsa Translation).

Link 1

Link 2

Link 3