Sumasampalataya ang Iglesia Ni Cristo na dapat itaguyod ng mga kaanib sa tunay na Iglesia ang kanilang kapatiran. Si Cristo ang nagtatag ng kapatiran sa loob ng Kaniyang Iglesia (Mat. 23:8). Ito ang dahilan kung bakit “kapatid” ang tawagan sa isa’t isa ng mga kaanib sa Iglesia.
Ang mga kaanib sa Iglesia ay dapat mag-ibigan bilang tunay na magkakapatid gaya ng iniutos ni Cristo at gaya ng itinuro ng mga apostol. Ito ang katunayan na sila ang mga tunay na alagad ni Cristo (Juan 13:34-35; I Ped. 2:17).
Masama na mapoot sa sinumang kapatid sa Iglesia. Ang sinumang mapoot sa kaniyang kapatid sa pananampalataya ay itinuturing na mamamatay-tao at hindi magmamana ng buhay na walang hanggan (I Juan 3:15).
Upang mapanatili ang pagiibigang magkakapatid sa loob ng Iglesia, ang mga kaanib na may di-pagkakaunawaan o pagtatalo ay inuutusang magkasundo (Mat. 5:23-25; Efe. 4:32).
News
Directory
Contact Us
Terms and Privacy Policy
© Copyright Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) 2024. All rights reserved.