Sumasampalataya ang Iglesia Ni Cristo na mula pa noong unang panahon ay ibinubukod ng Diyos ang mga taong maglilingkod sa Kaniya. Sa labas ng kahalalang ito, hindi magagawa ng tao ang paglilingkod na katanggap-tanggap sa Diyos (Awit 4:3; Kaw. 1:28).
Sina Set, Noe, at Abraham ang mga pinili ng Diyos sa panahon ng mga patriarka. Pagkatapos ay ibinukod Niya ang mga Israelita. Subalit, hindi nanatiling tapat ang mga Israelita sa tipan ng Diyos (Gen. 17; Dan. 9:11).
Matapos tumalikod ang Israel, ang Iglesia Ni Cristo ang ipinalit ng Diyos (I Ped. 2:9, 3-5; Mat. 16:18; Roma 16:16; Gawa 20:28, Lamsa Translation). Subalit, nang mamatay na ang mga apostol, ang Iglesiang ito na itinatag ni Cristo noong unang siglo ay humiwalay sa tunay na pananampalataya. Ito ay natalikod (Mat. 24:4, 11; Gawa 20:29-30; I Tim. 4:1-3).
Sa mga huling araw na ito, nagsugo ang Diyos ng mangangasiwa ng pagbabalik ng tao sa tunay na mga aral ng Iglesia. At ang Pilipinas (Malayong Silangan) ang dako kung saan nagsugo ang Diyos upang ipangaral sa mga tao ang tunay at dalisay na ebanghelyo ni Cristo para ibalik sila sa tunay na Iglesia (Apoc. 7:2-3; Isa. 43:5-7).
News
Directory
Contact Us
Terms and Privacy Policy
© Copyright Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) 2024. All rights reserved.