Search
Close this search box.

Tungkol sa bautismo

Sumasampalataya kami na ang bautismong ipinag-utos ni Cristo (Mat. 28:19) at ipinangaral ng mga apostol ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglulubog (Roma 6:4; Juan 3:23; Gawa 8:36-38). Upang ariing karapatdapat ang tao sa bautismo, kailangang siya’y naturuan ng mga salita ng Diyos, sumasampalataya sa mga ito, nagsisi sa kasalanan, at nagbabagong-buhay (Mar. 16:15-16; Gawa 2:38). Hindi magagawa ng isang sanggol ang mga ito kaya hindi nagbabautismo ng sanggol sa Iglesia Ni Cristo. Ang mga sanggol o maliliit na bata ay dapat ihandog sa Diyos, sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit (Mat. 19:13-15). Sila ay babautismuhan kapag nakatugon na sila sa katangian ng karapatdapat nang bautismuhan.

Link 1

Link 2

Link 3