Search
Close this search box.

Ang pagkabuhay na mag-uli

Sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo na ang mga patay ay bubuhaying mag-uli. Hindi sana binuhay na mag-uli si Cristo kung walang pagkabuhay na mag-uli (I Cor. 15:12-13).

May dalawang uri ng pagkabuhay na mag-uli: ang mga gumawa ng mabuti ay babangon at mabubuhay; at ang mga gumawa naman ng masama ay ibabangon upang parusahan (Juan 5:28-29; Apoc. 20:14).

Ang mga namatay na kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay bubuhaying mag-uli sa ikalawang pagparito ni Cristo (I Cor. 15:23). Ang mga kaanib na nagtapat na aabutang buhay sa Kaniyang muling pagparito ay hindi na mamamatay pa. Sasalubong sila kay Cristo sa hangin upang makasama Niya sa kanilang tunay na tahanan na inihanda Niya para sa kanila (I Tes. 4:16-17).

Link 2

Link 3