Skip to content
Iglesia Ni Cristo

Iglesia Ni Cristo

Church Of Christ

  • About Us
  • Beliefs
  • News
  • Directory
  • Contact Us
menu
  • About Us
  • Beliefs
  • News
  • Directory
  • Contact Us
  • About Us
  • Beliefs
  • News
  • Directory
  • Contact Us
language-ltr-02
Filipino Expand

English
Español
Deutsch
日本語
Italiano
Français
Português

MGA ARAL NA SINASAMPALATAYANAN

Pagsamba sa Diyos

Sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo na ang buong katungkulan ng tao ay ang sumamba sa Diyos at sumunod sa Kaniyang mga utos. Ang pagsamba sa Diyos ay katutubong pananagutan ng tao, sapagkat Siya ang lumalang sa atin, kaya hindi tayo ang may-ari ng ating sarili kundi ang Diyos (Awit 95:6-7; 100:3).

Ang Diyos ay dapat sambahin sa espiritu at sa katotohanan (Juan 4:23-24). Dapat sambahin ang pangalan ng Diyos—ito ang pagsamba sa espiritu; at dapat gawin ang Kaniyang kalooban o sundin ang Kaniyang mga salita—ito ang pagsamba sa katotohanan (Mat. 6:9-10; Juan 17:17).

Isinasagawa ng Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw na ito (tulad ng Iglesia noong unang siglo) ang pagsambang kinapapalooban ng pag-awit ng mga imno, pananalangin, pag-aaral ng mga salita ng Diyos, at paghahandog (I Cor. 14:26, 15; 16:2).

Si Cristo mismo ay nag-ukol ng mataas na pagpapahalaga sa pagtitipon o pagsamba. Tuwing nagkakatipon ang Kaniyang Iglesia ay naroon Siya sa kanilang kalagitnaan sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu (Mat. 18:20; Gal. 4:6).

Ang pagsambang kongregasyonal sa Iglesia Ni Cristo ay totoong napakahalaga: kaya, mahigpit na ipinagbabawal ang pagliban dito. Ang sadyang pagliban ay napakabigat na kasalanan sa Diyos (Heb. 10:25-27).

Mga kaugnay ng paksang ito

Who is the Creator and how can one prove one’s faith in Him?

Is there another god aside from the Father in heaven?

Is God really omniscient?

backtotop for incnet-01
We are a Christian religion whose primary purpose is to serve and worship the Almighty God based on His teachings recorded in the Bible.


Beliefs | Mission and Vision | History | Worship | Edification | Evangelism | Socio-civic
News | Directory | Contact Us | Terms and Privacy Policy
© Copyright Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) 2020. All Rights Reserved
We process and collect personal data based on our Terms and Privacy Policy to improve and analyze our service.
Tweet
Pin
Share